My Crossword Maker Logo
Powered by BrightSprout
Save Status:
or to save your progress. The page will not refresh.
Controls:
SPACEBAR SWITCHES TYPING DIRECTION
Answer Key:
Edit a Copy:
Make Your Own:
Crucigrama Sopa de Letras Hoja de Trabajo
Calificar este Puzzle:
Log in or sign up to rate this puzzle.

SOSLIT

Horizontales
Ito ay magkakarugtong na kwento na tinanggap ng tao bilang mga patotoong kwento na pinagmulan ng lahi, pinagmulan ng buhay ng tao, kwento ng mga diyos at diyosa.
Ito ay awit kapag may patay. Ito ay karaniwang nagpapahayag ng pagkalungkot
Awit sa ng tuwa at pagsamba kaugnay sa pagdiriwang ng pasko ng pagsilang kay Kristo.
isang mahabang likhang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayaring pinagkabit- kabit sa pamamagitan ng isang mahusay na balangkas na ang pangunahing layunin ay maipalabas ang hangarin ng kapwa bida at katunggali nito sa isang malikhaing pagsasalaysay ng mga kawil na pangyayari ayon sa pagkakasunod at pagkakaugnay nito.
ang dulong bahagi ng dula na nagbibigay linaw sa kinahinatnan ng pangunahing tauhan sa dula.
Dito nagbibigay ng ideya ng may-akda tungkol sa paksa ng sanaysay.
Ekspresyon ng mahalagang karanasan ng tao sa pamamagitan ng mga piling salita.
ang pinakapaksa ng isang dula.
nagpapahayag ng paghanga o isang papuri sa isang bagay. Ito ay walang tiyak na bilang ng pantig sa isang tudturan at walang tiyak na bilang ng talutod.
Isang mahabang tulang pasalaysay na tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na may di- pangkaraniwang lakas.
Ito ay kwento na pinaniniwalaang totoong pinagmulan ng mga bagay at pook.
ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip. Sila ang bumibigkas ng dayalogo o bumibitaw ng mga linya.
Verticales
Itinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin at maging ang kanyang pagbubulay-bulay.
isang uri ng panitikan na naglalayong maitanghal sa entablado.
Dito naman isinasalaysay ang mga mahahalagang ideya at paliwanag tungkol sa paksa.
Ito ay makikita sa bawat taludtod. Ang regular na pagtigil o paghinga sa loob ng isang taludtod sang- ayon sa mga pagpapangkat ng mga salitang bigkas sa taludtod.
Karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan,kalungkutan, pag- asa, pangamba,poot, at kaligayahan.
Siya ang nag-interpret ng iskrip mula sa pagpapasya sa itsura ng tagpuan,damit o kasuotan ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan.
mga magkakabit-kabit o magkakadugtong- dugtong ng mga pangyayari ng isang dulang nakakatawa.
Ito ay tula na inangkupan ng ritmo at melodiya at iba pang sangkap ng musika.
Isang dulang iisahing yugto na may nakakatawang diwa na nauukol sa mga kilalang tauhan.
ang nagsisilbing kaluluwa ng isang dula.
Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maaanyong salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng mga pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa bawat saknong.
Isang awitin patungkol sa paglilingkod sa Diyos, papuri, at pananampalatayA.